Internet traffic sa Pilipinas, hindi apektado ng maintenance ng isang international cable system

Tiniyak ng National Telecommunications Commission (NTC) na hindi apektado ang internet traffic sa Pilipinas ng isinasagawang maintenance ng isang international cable systems.

Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, ang emergency repair ng Asian-American Gateway (AAG) ay isinasagawa sa labas ng karagatan ng Pilipinas.

Aniya, ang apektado lamang traffic ay ang patungo at manggagaling sa ibang bansa.


Nagsagawa na ng rerouting sa iba pang submarine fiber cable systems.

Batay sa Submarine Cable Networks, nasa 10 international submarine cable system ang konektado sa siyam na cable landing stations sa Pilipinas.

Nabatid na inanunsyo ng PLDT at SKY Cable Corporation na magsisimula ang maintenance activities ng AAG ngayong araw September 26 hanggang Miyerkules, September 30.

Pinagana ng PLDT at SKY ang kanilang back-up capacity para maibsan ang epekto ng emergency maintenance activities.

Pagtitiyak ng Globe at Converge ICT Solutions na hindi apektado ang kanilang serbisyo sa nasabing maintenance works.

Facebook Comments