Buo ang pag-asa ni Overseas Filipino Workers (OFWs) Party-list Representative Marissa “del mar” Magsino na maipapasa ng House of Representatives ang House Bill No. 6770 o panukalang “internet voting” para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) bago mag-sine-die adjournment ang session ng Kongreso.
Lusot na ang panukala sa committee level at nakatakdang isalang sa plenaryo para maipasa sa ikalawang pagbasa sa pagpapatuloy ng session ng Kongreso April 29, 2024 at kalaunan ay sa 3rd reading.
Tapos pupunta na ito sa Senado at kapag nakapasa ay isasalang na sa Bicameral Conference Committee (BiCam) kung saan kapag nagkasundo na ang dalawang kapulungan ay isusumite na kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., para pirmahan at ganap na maging batas.
Ayon kay Magsino, kapag naging batas ang panukala ay mas magiging madali na para sa mga OFW ang paglahok sa halalan sa Pilipinas dahil hindi na nila kailangan pang magtungo sa Embahada para bomoto.
Binanggit ni Magsino na sa ilalim ng panukala ay pwedeng ng bomoto ang mga Pilipino sa ibayong-dagat sa mga idaraos na halalan sa Pilipinas pamamagitan ng e-mail, mobile phones, web-based portals at iba pang internet base technology.