Hindi titigil ang Commission on Election (COMELEC) para maisulong ang internet voting para sa mga Pilipinong na sa abroad.
Ang pahayag na ito ay sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia sa Laging Handa public press briefing sa harap ng iginiit nitong mababang turn out ng pagboto ng mga Pinoy sa abroad.
Sinabi ni Garcia, na sa 29% lang ang turn out ng overseas voting nitong huling halalan kaya’t mabuting magbigay na ng alternatibong pamamaraan ang gobyerno para makaboto ang mga OFW.
Dapat aniyang maisip na baka hindi makaboto ang marami ay dahil hindi maka-absent sa mga trabaho o kaya naman ay hindi maipadala ang sulat o mga pouch kung saan nandoon ang mga balota dahil wala ng oras ang maraming OFW para maasikaso.
Kaya sana ayon sa opisyal ay maikunsidera ang internet voting na tiyak aniyang magpapataas sa bilang ng mga makakalahok sa absentee voting lalo na sa hanay ng overseas workers.