Binuksan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang internship program para sa pag-hire ng mas maraming data encoders.
Ito ay matapos sabihin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na may kakulangan sa data encoders dahil maraming tao ang nagpapabakuna na laban sa COVID-19.
Sa Metro Manila, aabot sa 100 encoder slots ang binuksan na idedeploy sa iba’t ibang Local Government Units.
Una nang nagbabala ang DILG na maglalabas sila ng show-cause order laban sa mga LGUs na bigong makakasumite ng kanilang daily COVID-19 vaccination reports.
Batay sa datos, nasa 71.68 million COVID-19 vaccine doses na ang naiturok sa bansa kung saan 32.21 million ang fully vaccinated at 39.47 million ang nakatanggap ng unang dose.