Interoperability test ng RFID, matatapos sa katapusan ng Pebrero – TRB

Inaasahang makukumpleto sa katapusan ng Pebrero ang isinasagawang test para sa interoperability ng Radio Frequency Identification (RFID) systems sa tollways.

Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpus, ang interoperability ng RFIDs ay nananatiling partial lalo na at ang EasyTrip ay sumasailalim pa sa mga test sa ibang tollways.

Sa ngayon, ang EasyTrip ay maaaring magamit sa North Luzon Expressway (NLEX), Subi-Clark-Tarlac-Expressway (SCTEX), Cavite Expressway (CAVITEX), C5 Southlink at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).


Bukod sa Skyway, South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX), Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAX) at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX), ang Autosweep ay pwedeng gamitin sa Easytrip tollways.

Facebook Comments