Interpol, nakaalerto na laban kay suspended Congressman Arnolfo Teves Jr.

Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na nakaalerto na ang Interpol sa iba’t ibang bansa laban kay suspended Congressman Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay Remulla, ito ay makaraang ilagay na sa blue notice ng Interpol ang kongresista.

Nangangahulugan ito na agad na mag-aabiso sa Pilipinas ang ibang bansa kapag nasa hurisdiksyon nila si Teves.


Ang pagkakalagay aniya ni Teves sa Interpol notice ang isa sa mga dahilan kung bakit agad na ipinagbigay alam ng Timor-Leste sa Pilipinas ang presensya ng kongresista sa kanilang bans at ang paghiling nito ng political asylum.

Aalamin din aniya nila kung diplomatic passport ang ginamit ni Teves.

May impormasyon din si Remulla na nagtangka si Teves na kumuha ng “golden passport” na ibinibenta sa ibang bansa.

Facebook Comments