Interruptible load program ng malalaking power distributors, muling pagaganahin ngayong araw kasunod ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon at Visayas Grid – DOE

Muling pagaganahin ng malalaking power distributors ang interruptible load program ngayong araw.

Ito’y dahil na rin sa pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon at Visayas Grid.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang pagpapagana ng interruptible load program ay para mai-balance at matiyak ang stability ng electric system sa bansa.


Kahapon, kasabay ng red at yellow alert level na inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ay pinagana ng DOE ang interruptible load program.

Nag-commit naman umano ang ilang malalaking establisimiyento na gagamitin ang naturang program o hindi muna sila kukuha ng suplay ng kuryente sa mga power distributors bagkus ay gagamitin nila ang kanilang generator sets at iba pang pinagkukuhanan ng power supply para makatulong sa grid.

Kasunod nito, ang ibang power distributors naman ay nag-activate ng nasa 300 megawatts ng de-loading capacity.

Facebook Comments