Interval ng COVID-19 vaccines doses, hindi pwedeng paikliin – vaccine experts panel

Hindi tinanggap ng vaccine experts panel (VEP) ng Department of Science and Technology (DOST) ang mungkahi ng OCTA Research Group na paikliin ang interval sa pagitan ng dalawang dose ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay VEP Chairperson Dr. Nina Gloriani, hindi nila pwedeng paiksiin ang interval ng Sinovac at AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Lumalabas aniya sa mga datos na kailangan ng mahabang intervals sa pagitan ng dalawang dose para makapag-produce ng mataas na antibody levels.


Hindi aniya maaaring madaliin ang pagtuturok ng vaccines doses.

Matatandaang inirekomenda ni OCTA Research Fellow Rev. Fr. Nicanor Austriaco na ang two-dose interval ng Sinovac ay maaaring paikliin sa 14 days habang walong linggo naman para sa AstraZeneca.

Facebook Comments