Interval ng dalawang doses ng Sputnik V, pinahaba ng hanggang 42 araw – FDA

Pinayagan na ng Vaccine Experts Panel (VEP) ang interval sa pagitan ng dalawang doses ng Sputnik V vaccines.

Mula sa dating 21 araw ay pinalawig pa ito hanggang 42 araw.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, ang Gamaleya Research Institute ay nag-apply para sa amendment ng kanilang Emergency Use Authorization (EUA) para pahabain ang interval sa pagitan ng first at second dose.


Sa apela ng Gamaleya, nais nilang gawing 90 days ang interval pero ang pinayagan lamang ng mga eksperto ay hanggagn 42 araw.

Kaya nanawagan ang FDA sa publiko na kumuha na ng kanilang second dose ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments