Interval sa first at second dose ng COVID-19 vaccine ng Sputnik V, posibleng umabot pa hanggang 6 na buwan

Posibleng humaba pa ang interval sa pagitan ng pagtuturok ng first at second dose ng COVID-19 vaccine ng SPUTNIK V.

Ito ang inihayag ni Dr. Nina Gloriani, head ng Vaccine Experts Panel matapos ang kanilang ginawang evaluation sa nasabing bakuna.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Gloriani na maaaring tumagal pa ng tatlo hanggang anim na buwan ang interval kung madadagdagan pa ang mga datos na ibibigay sa kanila.


Matatandaang pinahaba ng 42 na araw ang interval ng first at second dose ng Sputnik V matapos ang hiling ng vaccine manufacturer nito na Gamaleya Institute.

Samantala, pagdating naman sa Sinovac COVID-19 vaccines ay sinabi ni Gloriani na nasa evaluation stage pa lamang ang mga ito para sa posibleng paggamit sa mga nasa edad 3 hanggang 17 taong gulang.

Facebook Comments