Interval sa pagtuturok ng first at second dose ng Astrazeneca COVID-19 vaccine, pinaikli na ayon sa NTF; DOH, nilinaw na hindi pa ito aprubado

Inihayag ni National Task Force against COVID-19 special adviser Dr. Teodoro Herbosa na pinaikli na nila ang interval sa pagtuturok ng first at second dose ng Astrazeneca COVID-19 vaccine.

Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Herbosa na marami pa rin kasing tinatamaan ng COVID-19 na isang dose pa lamang ang natatanggap.

Ibig sabihin nito, mula sa 12 linggo ay pinababa na nila ang interval sa 8 linggo kung kaya’t nanawagan na rin si Herbosa sa mga naturukan na ng first dose na makipag-usap sa kanilang local government units para sa pagpapa-schedule.


Samantala, kasunod niyan ay agad na nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan pa lamang nila ito kasama ng posibleng pagpapaikli sa interval ng Sinovac sa loob lamang ng dalawang linggo mula sa 28 araw.

Paliwanag ni Duque, kailangan munang sumailalim sa pag-aaral ang mungkahing ito lalo na’t hindi pa naman aprubado ng Vaccine Experts Panel.

Facebook Comments