INTERVIEW | Mga aspirante sa pagka-Ombudsman, sasalang ngayong araw sa panel interview

Manila, Philippines – Sasalang ngayong araw sa panel interview ng Judicial and Bar Council (JBC) ang mga aspirante sa posisyon ng Ombudsman.

Kasunod na rin ito sa nakatakdang pagreretiro ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa susunod na buwan.

Magsisimula ang public panel interview mamayang alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa Supreme Court (SC) Division Hearing Room, Ground Floor.


Kabilang sa mga nag-apply sa Ombudsman post si SC Justice Samuel Martires na hinaharang naman ng mga grupo ng pari, pastors at theological teachers dahil daw sa pagiging bias.

Kabilang din sa mga nag-apply sa pagiging Ombudsman si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Facebook Comments