INTERVIEW SA IPAPAMAHAGI NA TULONG PARA SA MGA NABAGYONG TODA MEMBERSSA DAGUPAN CITY, NAG-UMPISA NA

Sinimulan na ang interview para sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Dagupan City bilang paghahanda sa distribusyon ng tulong mula sa national government.

Nasa 1,500 na drivers at operators ang kabilang sa unang batch ng mga benepisyaryo, ang sumalang na sa interview ng pangangasiwa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Public Order and Safety Office (POSO).

Ayon sa Pamahalaang Panglungsod, nakatakda namang sumunod ang ikalawang batch na bubuuin ng mahigit 3,000 miyembro ng TODA.

Kasabay nito ang pagtitiyak ng tanggapan sa araw-araw na intake upang masiguro ang maayos at mabilis na pamamahagi ng tulong para sa mga lubos naapektuhan ng Bagyong Uwan.

Facebook Comments