Int’l crime gang, nabuwag ng European police

Sa wakas ay nabuwag na ng European Police Office o Europol ang international crime gang na nagnakaw ng 5.2 billion pesos sa mahigit 40,000 na biktima sa buong mundo.

Katuwang ang US police, naaresto ng Europol ang sampung miyembro ng grupo habang limang Russian nationals na kabilang sa grupo ang patuloy na tinutugis.

Modus ng cybercrime group ang paggamit ng goznym malware sa mga computers para mapasok ang mga bank accounts ang mga biktima.


Karamihang mga biktima ng mga ito ay mula sa Amerika, Bulgaria, Germany, Georgia, Moldova at Ukraine.

Facebook Comments