You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Intramuros, pansamantalang isasara sa publiko

Pansamantalang isasara ang mga pasyalan sa Intramuros kasunod na rin ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa anunsyo ng Intramuros Administration, isasara pansamantala sa publiko ang Fort Santiago, Baluarte de San Diego, Casa Manila Museum, Plaza Roma, President’s Gallery at ipagbabawal din muna ang entry o pagpasok paakyat sa pader ng Intramuros.

Lahat din ng mga gates ng Intramuros ay sarado mula alas-9:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga maliban sa gate 3 sa may Manila Cathedral at gate 11 malapit sa DOLE-PLM.

Ang pagsasara ng mga gates ay bunsod na rin ng ipinatutupad na unified curfew hours sa Metro Manila.

Ang mga establisyimento naman na nag-aalok ng board and lodging sa paligid ay inoobliga na makipag-ugnayan sa barangay bago payagan na makapasok sa gate ng Intramuros at kinakailangan na pagsapit ng alas-6:30 ng gabi ay wala ng tao sa mga plaza.

Facebook Comments