Camarines Sur – Patay ang apat na tao nang malason sa ininom nilang alak sa Barangay Santa Maria, Iriga City sa Camarines Sur.
Hunyo 29, isa umanong engineer Castillo mula Quezon City ang dumating sa kanilang barangay at nag-alok ng mga dala itong produkto.
Nakipag-inuman pa umano ang suspek sa apat na residente ng barangay kung saan ang dala nitong alak ang kanilang ininom.
Pero noong linggo, dalawa sa kainuman ng suspek ang namatay, isa noong Lunes at ang isa ay nasawi kanina lang umaga.
Ipinadala na sa Food and Drugs Adminstrastion (Bicol) ang sample ng alak na ininom ng mga biktima para malaman kung may kemikal itong nagresulta ng pagkamatay nila.
Hinahanap na rin ng mga otoridad si Engr. Castillo na tinitingnang suspek sa insidente.
Facebook Comments