Inuman ng Magkapatid, Nauwi sa Pananaga!

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang isang lalaki matapos na tagain ng mismong kapatid sa Brgy. Sidiran, Sto NiƱo, Cagayan.

Nakilala ang biktima na si Nestor Lorenzo, habang ang suspek ay ang kanyang kapatid na si Michael Lorenzo, 38 anyos at parehong residente ng naturang barangay.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng inuman ang dalawa sa bahay ng suspek at habang nasa kalagitnaan ng pagtatagay ang dalawa ay nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo.


Agad na hinugot ng suspek ang dalang itak at itinaga sa mismong kapatid na agad namang naitakbo sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Magugunitang inalis na ang liqour ban sa probinsya ng Cagayan na kabilang sa mga sumasailalim sa General Community Quarantine na dulot pa rin ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments