INUMAN SA BAYAN NG AGUILAR, NAUWI SA PANANAKSAK

Aguilar, Pangasinan – Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang construction worker matapos itong saksakin ng mismong kainuman sa bayan ng Aguilar, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Michael Decena, 30-anyos at orihinal na residente ng Brgy. San Isidro, Rodriguez, Montalban Rizal habang ang suspek ay si Christopher Danao, 31, mula sa Sitio Kawang, Balimbin, Tanay Rizal.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag iinuman ang mga ito kasama ang limang iba pa sa Brgy. Baybay, Aguilar kung saan nagkainitan ang suspek ang isa pang kasamahan ng mga ito.
Inawat din umano ng biktima ang suspek ngunit bigla na lamang itong sinaksak gamit ang kitchen knife kung saan tinamaan ang biktima sa kanang kamay, kaliwang tiyan at mga daliri nito.


Tumakas naman ang suspek matapos ang insidente dala ang patalim na ginamit sa krimen. Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima upang bigyang lunas ang kanyang mga natamong sugat.

Napag alaman din ng pulisya na ang dalawa ay mayroon ng nakaraang alitan na maaaring naging dahilan ng pananaksak nito.

Facebook Comments