Monday, April 6, 2026

Inuman sa kalye, ipagbabawal na; curfew sa mga menor de edad, paiigtingin sa buong bansa —Sec. Remulla

Mistulang nagdeklara ng war on criminality ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.

Ito’y matapos magpahayag ng mahigpit na babala si DILG Sec. Jonvic Remulla na ipatutupad na ng PNP ang Anti Public Intoxication Act o pag-iinom sa kalye.

Sa isang na press conference sa tanggapan ng Bureau of Fire Protection o BFP headquarters sa Quezon City sinabi ni Remulla na bahagi ito ng pagdidisiplina at gawing ligtas ang mga kalye sa buong bansa.

Kabilang sa paiigtingin ay ang pagpapatupad ng curfew sa mga bata na ipagbabawal nang pakalat-kalat sa kalsada pagsapit ng 10pm.

Huhulihin na rin ang mga iinom sa kalye o public spaces.

Ipagbabawal na rin ang videoke kapag lagpas na ng 10pm.

Maaring itawag sa 911 ang sinumang lalabag sa mga nabanggit.

Exemptions naman kung may piyesta sa isang lugar o kung mayroong okasyon.

Inaatasan ang mga pulis at mga LGU na kailangang rumisponde sa mga lalabag sa ordinance.

Paiigtingin na rin ang police presence sa mga transport hubs at magpapakalat din ng mga barangay tanod at mga volunteers.

Sa ilalim ng inilunsad na safer cities program, una itong ipatutupad sa Metro Manila, at isusunod na sa iba pang malalaking lungsod sa mga rehiyon at sa buong bansa.

Facebook Comments