Inuming tubig sa mga Concession Areas, tiniyak na ligtas sa virus, ayon sa MWSS

Pinawi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pangamba ng publiko sa posibleng kontaminasyon ng  Coronavirus Disease o COVID-19 sa inuming tubig at  wastewater sa  Concession Areas.

Ayon kay Patrick Lester Ty ang Chief Regulator ng MWSS Regulatory Office, tinitiyak nito na ang Water Supply mula sa kanilang Distribution Systems hanggang sa mga customers  ay  disinfected ng  chlorine.

Nakakasunod aniya ito sa pamantayan ng Philippine National Standard for Drinking Water na itinakda ng Department of Health.


Paliwanag pa ni Ty, wala raw dapat ikabahala ang publiko dahil malinis sa anumang bacteria o virus kabilang ang COVID-19 virus ang tubig at  ligtas  para sa  Domestic Consumption.

Pati na rin aniya ang Wastewater mula sa Sewage o Septage Treatment Plants ay disinfected  din ng chlorine.

Tinitiyak ng MWSS Regulatory Office sa Publiko na ang patuloy at mahigpit na   Monitoring sa kalidad ng inuming  tubig  at Wastewater ay para protektahan ang kalusugan at kaligtasan  ng mga  consumers, gayundin ang kapaligiran.

Facebook Comments