INUMPISAHAN NA | Bloodletting drive kasado na ngayong araw

Manila, Philippines – Nanawagan si His Eminence Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa publiko na mag-alay ng dugo bilang pag alala sa kanyang ika-61 taon kaarawan ngayong araw .

Ayon kay Cardinal Tagle sa kanyang kaarawan sa ngayon araw ay maglulunsad ng bloodletting activity mamaya na tinawag na RCAM Celebrating Life Year XI bilang regalo ng kaarawan ng Archbishop.

Paliwanag ni Tagle ang human resource development department ng Roman Catholic Archbishop ng Manila ay umapela sa publiko na mag alay ng dugo ngayon araw bilang regalo sa kanyang ika 61st birthday.


Ang bloodletting activity aniya ay nagsimula kaninang alas 8:30 umaga hanggang 3:00 ng hapon sa 4th floor of Arzobispado building sa Intramuros Manila.

Ang naturang aktibidad ay sa pakikipag-ugnayan na rin ng Philippine Red Cross.

Sa mga may katanungan maari kayong makipag-ugnayan sa human resource development department sa kanilang tanggapan at telephone numbers 527-3956 / 527-6254 at hanapin lamang si Mr. Joel Madronio o kaya si Mr. Omar Matro.

Facebook Comments