Manila, Philippines – Inumpisahan na ng House Committee on Dangerous Drugs ang moto propio investigation sa pagpapalusot sa P6.8 billion na halaga ng shabu sa Bureau of Customs.
Inihayag sa imbestigasyon ni PDEA Director Adrian Alvarino na magkakaugnay ang P4.3 billion na shabu na nakumpisa sa Manila International Container Port (MICP) at ang P6.8 billion na halaga ng shabu sa GMA Cavite na pinaniniwalaang nakalusot sa customs.
Paliwanag ni Alvarino, iisa ang consignee ng dalawa at pareho din na sa CRS Subdivision sa GMA Cavite ang address ng consignee ng mga shabu magnetic containers.
Ipinaliwanag naman ni Customs Commissioner Lapeña na dumating ang shipment noong July 10, dumaan sa x-ray at MICP customs clearance.
Wala umanong derogatory information ukol sa shipment na ito kaya nai-release noong July 14.
Humaharap sa komite ang mga opisyal Ng Philippine Dangerous Drugs Committee, PNP at AFP.
Hindi naman nakasipot si PDEA Director General Aaron Aquino dahil may nauna na itong naitakdang mahalagang pulong sa labas ng Metro Manila.