Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang inagurasyon ng World-Class Controlled-Climate Magnolia Poultry Farm sa Davao del Sur kaninang umaga.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ito ang una sa 12 planong poultry megafarm projects na nakumpleto sa buong Pilipinas sa Hagonoy, Davao del Sur.
Dagdag pa ng PCO ang poultry farms na ito ay malaki ang maitutulong sa local economy ng bansa.
Bawat farm kasi ay inaasahang makapagbibigay ng 1,000 job opportunities, ito ay kapwa directly at indirectly.
Sinabi pa ng PCO na ang San Miguel Foods, Inc. o SMFI, megafarms ay nakabatay sa adhikain ng Marcos administration partikular ang 2022 Strategic Investment Priority Plan (SIPP) List of Priority Projects.
Ito ay naglalayong makapagbigay ng long-term security at sustainability ng domestic poultry supply sa bansa.