
Manila, Philippines – Inupakan ni Vice President Leni Robredo ang 200 pesos na subsidiya na ibinibigay ng gobyerno sa mga mahihirap para maibsan ang epekto ng Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Sa isang press conference, Sumama na rin si Robredo sa mga boses na nanawagan na suspendihin na muna ang excise tax sa TRAIN law.
Aniya sa halip na atupagin ng gobyerno ang pagbabago sa saligang batas para maisulong ang pagbabago sa porma ng gobyerno patungong federalism, mas mahalaga na hanapan ng solusyon ang mahahalagang bagay na may direktang epekto sa sikmura ng mahihirap na Pilipino.
Bukod pa rito, nariyan ang hindi maresolbangbang patayan at Extrajudicial Killings (EJK) na labis na ikinababahala ng taumbayan.
Ang pahayag ay kasunod na pagpapasakamay ng Consultative Committee (Con-Com) kay Pangulong Rodrigo Duterte ng draft ng federal constitution.









