Manila, Philippines – Iniurong na ng isang ginang ang reklamo laban sa mga
tauhan ng Manila Police District-Station Drugs Enforcement Team ng
Sampaloc Police Station 4 na umano ay nangmolestiya sa kanyang 11-anyos na
anak habang sinasalakay ang kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila noong a-12
ng Marso.
Pinaliwanag sa nilagdaang Affidavit of Desistance ng Complainant na itinago
sa pangalang Yolly, na walang pumilit, nanakot o nagbanta sa kanya upang
bawiin ang kaso laban sa kina SPO3 Rolando Moranda Jr .,SPO2 Camilo Maramag
; PO1 Paolo Angelo Borbe at PO1 Lourenz Gorgon.
Ang apat ay nireklamo sa punong tanggapan ng Manila Police District dahil
sa alegasyon ng anak ng biktima na itinago sa pangalang Ana.
Si Ana ay sinasabing courier ng ilegal na droga sa Sampaloc, Maynila na
naabutan ng mga pulis nang salakayin ang kanilang bahay.
Nakaharap ang isang kagawad ng Barangay, ilang testigo at mga pulis sa
ginawang paglagda ni Ginang Yolly sa Affidavit ng pagbawi sa reklamo.