INUSISA | Senator Trillanes, inusisa sa DND at AFP ang isyu sa kanyang amnestiya

Manila, Philippines – Sa budget hearing ng Senado ay inusisa ni Senator Antonio Trillanes IV kina Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff general Carlito Galvez Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang isyu sa kanyang amnesty.

Ayon kay Galvez, base sa testimonya ni Colonel Josefa Berbigal ay nag-apply ng amnestiya si Trillanes.

Pero sabi ni Galvez, posibleng nagkaroon ng “lapses” kaya mula sa general headquarters ay hindi na-iturnover ang amnesty documents ni Trillanes sa J1 na syang tagapag-ingat ng mga dokumento.


Muli namang binigyang diin ni Secretary Lorenzana ang nauna niyang sinabi na noong August 15 ay hiningi ni Solicitor General Jose Calida ang amnesty records ni Trillanes at ng ibang mga dating sundalo na miyembro ng Magdalo group.

Ayon kay Lorenzana, ibinigay ng kanyang staff kay calida ay ang Proclamation 75 na inilabas ni dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino III na nagkakaloob ng amnesty kay Trillanes, gayundin ang amnesty documents na nilagdaan naman ni dating Defense Secretary Voltaire Gazmin.

Facebook Comments