INUTUSAN | COA, inatasan si Junjun Binay na isauli ang ₱45-M intel, confidential fund

Manila, Philippines – Inutusan ng Commission on Audit (COA) si dating Makati City Mayor Junjun Binay na ibalik sa gobyerno ang P45 million mula sa intelligence and confidential fund na lampas sa itinakdang halaga o dahil wala itong approval ng presidente.

Alinsunod sa authorization ni COA Chairperson Michael Aguinaldo, naglabas si Intelligence/Confidential Fund Audit Office Director Mario Lipana ng dalawang notices of disallowance na parehong may petsang September 5, 2018.

Nakasaad sa Notice of Disallowance No. 2018-003 na inilabas ang P25 million ng dalawang tranches noong August at October 2013 nang walang approval ni dating Pangulong Noynoy Aquino.


Ayon sa COA, inaprubahan lang ni Aquino ang pondo para sa first half ng 2013 pero hindi sa second half ng taon.

Ang kabiguan ng Makati City na magsumite ng presidential approval para sa second semester ay paglabag sa Section 2 ng COA circulars numbers 85-245 ay 2003-003.

Dagdag pa ng COA, kahit may approval ng presidente para sa second semester ay lalampas pa rin ang lokal na pamahalaan sa allowable ICF cap na P25.41 milyon para sa 2013 dahil nailabas na ang P25 milyon sa first semester.

Bukod kay Binay, pinapanagot din si dating City Budget Officer Lorenza Amores na siyang nag-certify ng basehan sa ICF computations na ayon sa COA ay mali.

Facebook Comments