INUTUSAN DAW? | 21-anyos na lalaking pumatay sa 3 nitong kapatid sa Negros Occidental, nadakip na

Negros Occidental – Nadakip na ng mga otoridad ang 21-anyos na lalaki na pumatay sa tatlo niyang kapatid sa Calatrava, Negros Occidental.

Nakakulong na ngayon ang suspek na si Jhunmark Melibo matapos mahuli ng mga residente sa Sitio Palala, Barangay Marcelo.

Nakita ng mga residente na nagtatago si Melibo malapit lang sa kanilang bahay kaya at nagtulung-tulong sila kasama ang barangay officials at mga miyembro ng Philippine Army para maaresto ito.


Aminado ang suspek sa krimen at sinabing inutusan daw siya ni “Poseidon” (God of the Sea) na patayin ang kanyang mga nakababatang kapatid.

Nabatid na ginilitan ng suspek ang kanyang mga kapatid na sina Gregor, isang taong gulang; Alejandro, 5-anyos at Jhorens, 14-anyos, noong Sabado ng hapon habang wala sa kanilang bahay ang mga magulang.

Nakaligtas naman ang isa nilang kapatid na babae matapos makatakas.

Facebook Comments