Manila, Philippines – Isinapormal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga nauna nang pahayag kung saan dapat maging mabilis sa pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko o public request ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at maging ang Government Owned and Controlled Corporations o GOCC.
Inilabas na kasi ng Malacañang ang Memorandum Circular Number 44 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte na naguutos sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaan at sa mga GOCC na tapusin sa loob ng 15 araw mula sa araw na matanggap ng mga ito ang mga papeles o ang mga request ng Publiko.
Nilagdaan ang nasabing kautusan noong May 4.
matatandaan na makailang beses nang binanggit ni Pangulong Duterte sa ilan niyang talumpati an kailangang maging mabilis ang serbisyo ng mga frontline government agencies sa publiko upang mabilis na matugunan ang pangagnailangan ng mamamayan.