INUWI SA BAHAY | Mortar, sumabog – 7, patay

Mindanao – Aabot na sa pito ang bilang ng mga namatay sa nangyaring pagsabog ng mortar sa Sirawai, Zamboanga Del Norte.

Sa ulat, sa loob ng isang bahay sa Dacon Plantation sa Barangay Guban nangyari ang pagsabog kung saan isa sa mga trabahador nito ang nakapulot sa mortar saka inuwi sa kanilang bahay.

Posibleng pinakialaman ng hindi pa nakikilalang trabahador ang naturang mortar na naging dahilan ng pagsabog nito na nagresulta rin sa pagkasugat ng anim na iba pa.


Sa ngayon, hindi pa tinutukoy ng pulisya ang mga pangalan ng biktima dahil ipapaalam pa nila ito sa mga kamag-anaka kung saan iimbestigahan na din nila kung saan nanggaling ang mortar.

Facebook Comments