Inventory ng mais at bigas, bahagyang tumaas noong Abril – PSA

Bahagyang tumaas ang inventory ng mais at bigas sa bansa noong Abril.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 2.5% hanggang 2.5 million metric tons ang stocks ng bigas mula sa dating 2.4 million noong nakalipas na taon.

Tumaas din ng 58.7% ang suplay ng bigas sa households at 63.2% sa commercial warehouse habang bumaba naman sa 13.1% ang stocks sa National Food Authority (NFA) depositories.


Samantala, umakyat din ang corn inventory sa 8.9% hanggang 777,370 metric tons mula sa dating 713,680 noong Abril 2021.

Mas mataas ito ng 73.4% kumpara sa 448,310 metric tons na naitala noong Marso 2022.

Facebook Comments