Investigation team binuo sa pagbagsak ng helicopter ng PN; 2 nasawing piloto, binigyan ng arrival honor

May binuo nang investigation team na tututok sa sanhi ng pagbagsak ng Robinson R22 trainer helicopter ng Philippine Navy kahapon sa Cavite City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang investigation team ay binubuo ng mga taga -Naval Air Wing.

Samantala, kanina, nagkaroon ng arrival honors sa dalawang miyembro ng Philippine Navy na sina Lt. John Kyle Borres at Ensign Izzah Leonah Taccad na nasawi sa nasabing trahedya sa Libingan ng mga Bayani.


Una nang nagpaabot ng pakikiramay si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sa mga kaanak at naulilang pamilya ng dalawa.

Sa paunang impormasyon, galing sa Sangley Airport ang naturang helicopter para sa training flight.

Facebook Comments