Isinalang na sa review ng experts panel ang Investigator’s Brochures (IBs) sa apat na vaccine brands na gagamitin sa Solidarity Vaccine Trials (SVT) ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, ang WHO ay nagpadala na ng Standard Operating Protocols (SOPs) para sa Solidarity Vaccine Trials at hinihintay na lamang ng study team ang dalawa pa nito.
Bukod dito, ang WHO ay nagbigay na rin ng investigator’s brochures para sa apat na bakuna na susubukan sa trial.
Ang IBs ay naglalaman ng non-clinical at clinical data na may kinalaman sa pag-aaral.
Ang WHO Solidarity Vaccine Trial team ay nakapulong na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at mga alkalde ng National Capital Region (NCR) para ipagbigay-alam ang estado ng trials at ilatag ang mga istratehiya para sa maayos na pagpapatupad nito.