Investment deal sa pagitan ng ABS-CBN at TV5, pansamantalang itinigil

Ianunsyo ng pamunuan ng ABS-CBN at TV5 ang pagtigil pansamantala ng kanilang planong investment deal.

Kasunod ito ng mga isyu na nakita ng mga mambabatas at National Telecommunications Commission (NTC) kaugnay rito.

Ayon sa pahayag ng dalawang networks, parehong sumang-ayon ang parehong panig na itigil muna ang preparasyon para sa naturang deal upang tugunan ang mga isyu na nakapalibot dito.


Nitong buwan ay inanunsyo ang kanilang investment agreement kung saan makukuha ng ABS-CBN ang 34.99% ng stocks ng TV5 para sa halagang 2.16 bilyong piso.

Mababatid na ipinagsusumite ng NTC ang TV5 ng clearances mula sa ilang ahensya ng gobyerno sakaling ipagpapatuloy ang naturang agreement upang mapatunayang wala itong pending obligations sa gobyerno.

Habang sinabi ni SAGIP party-list representative Rodante Marcoleta na nilabag umano ng TV5 ang Section 10 ng kanilang broadcasting franchise nang pumasok sila sa isang deal kasama ang ABS-CBN.

Facebook Comments