Nakapagtala ang gobyerno nang 836 milyong euro mula sa investment ng European Union sa Pilipinas.
Ang halagang ito ng investment ay naitala ng pamahalaan mula taong 2021 hanggang 2022.
Batay sa ulat ng Department of Trade Industry (DTI) sa Presidential Communications Office (PCO) karamihan sa mga investment na ito ay patungkol sa manufacturing, information and communication, real estate at administrative sectors.
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, isa malalaking investment partner ngayon ng Pilipinas ang European.
Sa katunayan nasa Brussels, Belgium ngayon si Secretary Pascual at nakapulong si European Commission Vice President at Trade Commissioner Valdis Dombrovskis.
Kanilang tinalakay ang ilang usapin magpapayabong pa ng kanilang relasyon ng European Union at Pilipinas.
Ibinida ng kalihim sa ginawang pagpupulong ang mga ginawang polisiya ng Pilipinas para makagawa ng business environment para sa mga foreign investments.
Natalakay rin ni Pascual sa pagpupulong ang kahalagahan ng EU Generalized Scheme of Preferences-Plus o GSP+ para sa mga stakeholders at kung paano ito nakakatuon sa promosyon ng socio economic development sa Pilipinas.