Naging mas produktibo ang workforce ng bansa sa kabila nang mga pinagdaanang pagsubok.
Bukod rito tama rin ang desisyon ng Marcos administration na patuloy na mag-invest sa edukasyon para mapanatili ang long term economic goals.
Ito ang mga assessment ni Michael Ricafort Chief economist ng Rizal Commercial Banking Corp.’s o RCBC sa media forum sa Quezon City na organized ng Presidential Communications Office.
Paliwanag ni Ricafort, lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa demographic “sweet spot” simula pa noong 2015 at kahit na mahina ang performances ng manufacturing at agriculture sectors.
Ayon sa eknomista ang ibigsabihin ng pagkakaroon ng demographic sweet spot ay karamihan sa populasyon ay nasa working age kaya produktibo ang workforce.
Sa ngayon, nagbibenepisyo ang Pilipinas sa pagkakaroon ng demographic sweet spot, kaya nasa pang apat ang bansa sa buong mundo na may malaking remittances mula overseas workers.
Batay sa rekord mayroong 40 bilyong dolyar ang remittances ng OFW kada taon mula sa banking system at outside ng banking system.