Investment performance ng Pilipinas ngayong 1st quarter, mahusay sa harap ng pandemya – DTI

Patuloy na tumitibay ang investment performance ng Pilipinas sa unang kwarter ng taon.

Sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI), ang approved investments mula January 1 hanggang March 19, 2021 ay nasa ₱137 billion.

Mataas ito ng 64.65% kumpara sa ₱83 billion sa kaparehas na panahon noong 2020.


Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, aabot sa 12,013 na trabaho na nalikha, mataas kumpara 10, 605 noong nakaraang taon.

Ang target na approved investments ngayong taon ay ₱1.25 trillion, o higit 27-percent ng ₱4.506 trillion 2021 national budget.

Facebook Comments