Investment policy framework ng latest version ng Maharlika Investment Fund mas malinaw ayon sa isang ekonomista

Naging mas malinaw ang latest version ng panukalang Maharlika Investment Fund kumpara noong Nobyembre nang ito ay simulang planuhin.

Ito ang sinabi ni Dr. Michael Datu, isang ekonomista sa Laging Handa public briefing.

Aniya, batay sa latest version ng Maharlika Investment Fund, makikitang malinaw ang mga gagampanang tungkulin ng mga taong itatalaga para dito o ang governance structure.


Malinaw aniya kung sino ang mga member ng Advisory Board, Board of Directors at role ng Chief Executive Officer at tungkulin ng Chief of an Investment Operating Officer.

Sinabi pa ni Dr. Datu na malinaw ang proseso ng auditing mula internal audit hanggang external audit.

Sisilipin din daw ang investment na ito ng Commission on Audit (COA), mayroon ring Congressional oversight bukod pa sa mayroon ring Santiago principles. Kapag sinabing Santiago principles nakapaloob ang good governance, accountability, transparency and prudent investment practices.

Dagdag pa ni Dr. Datu, okay lang naman daw na inalis na ang SSS at GSIS para magbigay nang paunang pondo para sa Maharlika Investment Fund dahil mayroon naman aniyang ibang government financial institution gaya ng Landbank na magbibigay ng initial investment ng 50 bilyon piso, Development of the Philippines na magbibigay ng 25 bilyong piso, at divedendo mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Paliwanag ni Dr. Datu, ito ay guaranteed ng national government dahil ang mga investors ay mula rin sa national government kaya kung may mabawas o malugi ito ay maibabalik.

Bukod sa mga nabanggit na mga government financial institution, mayroon ring pagkukunan ng pondo ang Maharlika Investment Fund ito ang 10 percent na kinikita ng PAGCOR, royalties income mula sa mga natural resources at mga kikitain sa privatize at public borrowing.

Naging malinaw rin daw sa latest version ng Maharlika Investment Fund kung anong klaseng assets ang pwede i-invest sa MIF, ito ay cash o foreign currencies, commodities gaya ng ginto, fixed income instruments na iniisyu ng ibang bansa, Sukuk bond o ang Islamic finance.

Kasama rin ang domestic at foreign corporate funds, commercial real estate at infrastructure project at maging joint venture ng mga Filipino at foreign investors sa iba’t ibang sektor.

Facebook Comments