Manila, Philippine – Nahaharap sa patung-patong na kasong estafa ang isang pulis matapos umanong manloko sa 10 tao gamit ang isang investment scam.
Ayon kay Superintendent Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), 2005 pa nang simulan ni SPO1 Honorio Negrito ang pag-aalok ng investment sa ilang tao.
Aniya, magbibigay ang suspek ng P6,000 kada buwan na interest para sa bawat P100,000 na ipapasok sa naturang programa.
Pero noong 2017 ay wala na siyang naibibigay na interest sa investors kaya at idinemanda na siya ng mga ito.
Hindi naman malinaw kung saan dinala ni Negrito ang pera ng investors dahil iba-iba ang paliwanag nito.
Nakakulong ngayon sa detention facility ng CIDU si Negrito at nasa P400,000 ang itinakdang piyansa ng korte sa kanya para mga kasong estafa.