INVESTMENT | Suporta ng Kamara sa ‘bond flotation program’ welcome development sa Department of Agriculture

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Department of Agriculture ang suporta ng liderato ng Kamara sa ‘bond flotation program’ na isinusulong ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Positibo ang House Committee on Banks and Financial Intermediaries at ang Department of Finance na magandang investment ito para sa pag-asenso ng mga magsasaka at mangingisda.

Sa ilalim ng konsepto, pabibilisin ang konstruksyon sa labingtatlong-libong kilometrong farm-to-market roads at sa pagpapaunlad sa farm at fisheries mechanization program ng gobyerno.


Pinondohan ito ng P140-B para sa farm-to-market projects habang P60-B ang ilalaan sa farmers’ loans na pangangasiwaan ng Agriculture Credit Policy Council.

Iginiit ni Agriculture Secretary Manny Pinol na importanteng ma-aprubahan sa lalong madaling panahon ang ‘bond flotation program’ upang masiguro na matatapos ang road network projects sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Lumalabas sa datos ng Agriculture Department na labing anim na porsiyento ang nalulugi sa mga magsasaka dahil sa kawalan ng tinatawag na post-harvest facilities habang 40% naman ang nawawala sa fisheries sector dahil sa kawalan ng ice-making plants at cold storage.

Facebook Comments