Investments at mga trabaho na naiuwi ng pangulo mula sa mga foreign trip nito, welcome development sa isang senador

Welcome development para kay Senate Majority Leader Joel Villanueva ang mga naiuwing investments at trabaho para sa mga Pilipino mula sa mga foreign trip ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Kaugnay na rin ito sa naging matagumpay na pagbisita ni Pangulong Marcos sa Estados Unidos at ang pagdalo nito sa coronation ni King Charles III na mas lalong nagbukas sa investments at trade partnership para sa Pilipinas.

Ayon kay Villanueva, welcome development ang mga hakbang na ito ng pangulo lalo na sa pagtugon sa usapin ng unemployment sa bansa na aabot na sa 4.8 percent o katumbas ng 2.47 million na mga Pilipinong walang trabaho.


Kasabay nito ay pinuri din ni Villanueva ang mga pagsisikap ni Pangulong Marcos para makapaghanap at makapagbigay ng maraming oportunidad sa mga Pilipino.

Ilan sa mga magandang bunga ng US trip ng pangulo ay ang pangako ng mga kompanya sa Amerika na magha-hire ng 75,000 na mga Filipino seafarer sa susunod na tatlo hanggang apat na taon at ang pangakong 1.5 billion US dollars na investments at 6,700 na trabaho sa Pilipinas.

Dagdag pa ng senador, ang presidente ang talagang ‘best salesman’ ng bansa at nagpapasalamat aniya ang Senado dahil nagbunga ng mga investment at trabaho para sa mga Pilipino ang mga naging foreign trips ng Pangulo.

Facebook Comments