Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtaas ng 13.0 percent ng foreign direct investment (FDI) na pumasok sa bansa nitong February 2023.
Ito ay katumbas ng US$1.0 billion kumpara sa US$926 million noong February 2022.
Nangunguna ang Japan sa may pinakamaraming invesments na pumasok sa bansa, sumunod ang United States, at Cayman Islands.
Partikular na pumasok ang investments sa:
1) manufacturing;
2) real estate;
3) electricity, gas steam and air conditioning supply; gayundin sa
4) financial and insurance industries.
Sa ngayon ang kabuuang foreign direct investments na pumasok na sa bansa ay nasa US$1.5 billion.
Ito ay mas mababa naman ng 14.6 mula sa US$1.8 billion noong unang dalawang buwan ng 2022.
Facebook Comments