Investments ng mga European companies sa bansa, hindi apektado sa desisyon ng pamahalaan na tanggihan ang ilang financial aides ng EU sa bansa

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na hindi makaaapekto sa investments ng European companies sa Pilipinas ang desisyon ng Pamahalaan na hindi tanggapin ang Financial Aides ng EU sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, magkaiba ang European Union kaysa sa European community o mga negosyante sa Europa.
Paliwanag ni Abella, naiintindihan ng mga negosyante ang takbo ng pulitika at pupunta ang mga ito sa mga bansa kung saan sila ay kikita.
Ibinida din ni Abella na alam ng mga negosyante sa Europa na magandang mamuhunan ngayon sa Pilipinas.
DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments