Ion Perez, binilhan ni Vice Ganda ng PS5 matapos mapilay

59

Sinupresa ng TV Host/Comedian na si Vice Ganda ang kanyang nobyo na Ion Perez matapos mapilay sa kanilang laro ng badminton nitong Semana Santa.

Sa kanyang vlog, malungkot ang intro ni Vice matapos magtamo ng sprain sa paa si Perz.


Kaya nag-isip siya ng paraan para mabigyan ng pagkakaabalahan ang kanyang boyfriend para bumalik na ang sigla nito.

Aniya, mahirap na kalaban ang pagkabagot lalo na sa gitna ng lockdown at nakakulong lamang sa bahay kaya naghanap siya ng maaaring pwedeng libangan ni Perez.

Dito na bumuli si Vice ng Playstation 5 kahit hindi mahilig ang kanyang boyfie dito.

Nang makita ni Perez ang supresa ay agad siyang nagpatulong sa pagset-up ng gaming console.



Facebook Comments