Mga katutubo sa Amazon Rainforest, nakatanggap na ng COVID-19 vaccine

56

Nakatanggap na ng COVID-19 vaccine ang ilang Indigenous People (IP) mula sa Amazon Rainforest sa Brazil.

Ito ay matapos lumipad ang ilang medical personnel sa tulong ng Brazilian military bitbit ang halos 1,000 doses ng bakuna ng kompanyang Sinovac Biotech.


Itinuturing itong pag-asa ng ilang lider ng tribo dahil lubha aniya silang naapektuhan ng nagpapatuloy na pandemya.

Samantala sa huling tala, pumalo na sa 46,000 na katutubo ang tinamaan ng nasabing sakit kung saan 926 dito ang binawian na ng buhay.

Facebook Comments