“Ipaalam kay GM” Facebook page, ilulunsad ng PCSO

Inilunsad ngayon ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang social media platform nito na tatawaging “Ipaalam kay GM” sa isang seremonya sa PCSO Draw Court, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Ang Facebook page ay gagamiting feedback mechanism at magsisilbing daluyan ng pag-uusap sa pagitan ng PCSO at ng masa.

Ang Facebook page ay maaring i-access sa pamamagitan ng text o chat 24/7, mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8 A.M. hanggang 5 P.M.


Maliban sa social media platform, maaring magparating ng concerns 24/7 sa hotline 8888.

Ayon kay GM Royina Garma, dapat gamitin ng netizens ang pagkakataon upang makapagbigay ng mga mungkahi, puna at sumbong para sa higit na pagpapahusay sa operasyon ng ahensya.

Facebook Comments