Matagumpay na naisagawa ng Department of Agrarian Reform- Maguindanao ang Community Orientation and Consultation hinggil sa Inclusive Partnership for Agricultural Competitiveness (IPAC) Project sa bayan ng Parang.
Ang aktibidad ay nilahukan ng kinatawan ng Parang LGU; Barangay officials na sumasaklaw sa Macarimbang ARC kabilang ang Gadungan, Guiday T. Biruar, Orandang, Samberen at Sarmiento; key officers ng Farmers Organizations; DARPO Maguindanao team, DARMO-Parang.
Ang isang araw na serye ng Community Orientation and Consultation kaugnay ng IPAC Project para sa Stakeholders ng Iranun ARC Cluster sa lalawigan ng Maguindanao ay binubuo ng Macarimbang ARC, Langkong ARC, MRP #1 Special ARC and MRP # 2 Special ARC sa mga bayan ng Parang, Matanog, Buldon at Barira.
Pakay ng orientation na ipabatid sa stakeholders ang konsepto at desenyo ng IPAC Project at makuha ang kanilang suporta.
Ang IPAC Project ay pinondohan ng World Bank at idenisenyo upang mapahusay ay market access ng mamamayan at ang competitiveness ng maliliit na magsasaka sa mga tinarget na Agrarian Reform Community Clusters.
IPAC Consultation sinimulan ng DAR-Maguindanao para sa IRANUN ARC Cluster!
Facebook Comments