IPADE-DEPORT | British pedophile, arestado ng Bureau of Immigration

Manila, Philippines – Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang naarestong British convicted sex offender sa United Kingdom.

Si Leslie Charles Russon, 52, ay naaresto ng BI-Fugitive Search Unit sa San Fernando, Cebu

Ang pag-aresto sa kanya ay sa bisa ng mission order dahil ang puganteng dayuhan ay itinuturing na banta sa publiko.


Ayon sa British National Crime Agency (NCA), si Russon ay nahatulan na Registered Sex Offender at wanted ng UK Police dahil sa paglabag sa UK Sexual Offences ACT of 1997.

Siya ay hinatulang mabilanggo sa loob ng pitong taon dahil sa two counts ng buggery at three counts ng indecent assault sa mga menor de edad na mga lalaki.

Facebook Comments