Manila, Philippines – Matapos ipagbawal ang paggamit ng mga firecrackers o mga paputok ay pinupuntirya na rin ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total ban sa firecrackers pati na sa mga pyrotechnics sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, gustong magpasa ni Pangulong Duterte ng batas ang kongreso para ipagbawal na ang lahat ng klase ng paputok pati na ang mga pailaw.
Paliwanag ni Roque, kaya gusto ni Pangulong Duterte na magkaroon ng batas ay para magkaroon ng konsultasyon sa mga stakeholders o ang mga maaapektuhan sa nasabing panukala.
Sa harap nito ay tiniyak din naman ng gobyerno na hahanap ito ng ibang mapagkakakitaan ang mga posibleng maapektuhan ng panukala na aabot sa 75 libong indibidwal na posibleng mawalan ng trabaho.
Matatandaan na sa ilalim ng executive order number 28 ay hindi lamang maaaring gumamit ng mga firecrackers ang publiko o yung mga pumuputok pero maaari namang gumamit ng mga pailaw lamang.