Umaapela ngayon ang Cotabato City LGU sa lahat ng mga taga syudad na ipagdiwang ng mapayapa at makabuluhan ang selebrasyon ng Eid ul Fitr.
Umaasa rin City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi na makikiisa ang lahat ng mga taga Cotabato sa kanilang adbokasiyang magiging ligtas ang lahat sa selebrasyon sa June 15.
Nagpaalala rin si Mayor Cynthia kasama ang City PNP na mariing ipinagbabawal ang pagpapaputok ng baril, firecrackers, fireworks at maging ang nakagawiang maingay na mobile takbir ay kanyang dinidiscourage.
Kaugnay nito, nagpaabot naman ng kanyang mensahe ng kapayapaan at pagmamahalan di lamang para sa pagtatapos ng buwan ng ramadan sa lahat ng taga Cotabato City si Mayor Cynthia.
Samantala handa na rin ang ilang venue sa Cotabato City para sa gagawing congregational prayer sa Eid ul Fitr, kabilang na ang grand mosque sa Kalanganan Area, ang pinakamalaking mosque sa buong sa bansa.